Ang pinakamalaking online writing contest sa buong mundo

Handa na ba kayo? Panahon na para kayo ay madiskubre.

Ang ika-7 taunang Wattys ay nagumpisa na!
I-submit ang iyong mga kuwento sa pamamagitan ng pagta-tag nito ng #Wattys2016.
Deadline: Agosto 31, 2016


Madali ang Pagsali

I-tag lamang ang iyong kuwento gamit ang #Wattys2016. Puwede kang magsubmit ng kahit ilang kuwentong gusto mo.
Wala ka pa ba sa Wattpad?
Pindutin ito upang magsign-up at magumpisang sulatin ang iyong kuwento para sa Wattys ngayon.

Ang Countdown ay Nagumpisa Na

Alamin kung anong masasabi ng mga winners sa nakaraang taon tungkol sa
taunang Wattpad Watty Awards!

Alam Mo Ba?

45 Milyong Tao ay Gumagamit ng Wattpad Bawat Buwan

Ngayon ang iyong pagkakataong matuklasan ang iyong pagsusulat at maipakita ang iyong storya sa harap ng milyon-milyong mga mambabasa!

Ang Wattpad ay nagagamit sa buong mundo at sumusuporta ng 50 iba't ibang mga wika at lengguwahe... at nadaragdagan pa

Sumali at maging bahagi ng aming pinakamalaki at pinaka-internasyonal na komunidad para sa pagsusulat.

Mga Kategorya

Ang Wattys ay dinisenyo upang makilala ang iba't ibang talento at uri ng pagsusulat - kaya kung ikaw ay isang kilalang author o baguhang istoryador, gusto naming makarinig mula sa iyo! Ang Wattys ay may higit sa sampung iba't ibang mga kategorya, upang ipagdiwang ang maraming mga hindi kapani-paniwalang mga kuwento.

People's Choice


Ang award na ito ay para sa mga kuwentong nagtamo ng pinakamaraming Wattpadder tweets, votes at hearts. Ito na ang pagkakataon upang makibahagi sa pagbibigay ng award sa kuwentong tingin mo ay karapat-dapat na manalo ng Watty. Makilahok sa Hulyo 8, 2016 at iboto ang paborito mong kuwento sa Twitter.

Trailblazers


Ang kuwento mo ba ay kakaiba? May bagong twist ba ito sa kilalang genre o di kaya ay taliwas sa ordinaryong plot? Kuhain ang #KuwentongKakaiba at #Wattys2016

Writer's Debut


Kung bago ka sa Wattpad at handang madiskubre, pagkakataon mo na ito para ibahagi ang iyong kuwento at mapunta sa spotlight. Para maging karapat-dapat na mapanalunan ang award na ito, dapat naisulat mo ang una mong kuwento sa 2016. I-tag ng #Wattys2016 ang iyong kuwento upang makasali.

Hidden Gems


Ang award na ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga bagong Wattpadders upang makilala pa sa Watty komunidad. Karapat-dapat bang mabigyan ng mas malawak na atensyon ang iyong kuwento? I-tag ito ng #Wattys2016 ngayon!

Voracious Reads


Ang award na ito ay nagbibigay-pugay sa mga kuwentong tila hindi matigilan ng mga mambabasa. Nais mo bang malaman kung ang iyong kuwento ay ‘nakaka-adik’ basahin? I-tag lamang ito ng #Wattys2016 upang malaman.

Talk of the Town


Kinikilala ng award na ito ang mga kuwentong gusto-gustong pag-usapan ng mga mambabasa. Kung sa tingin mo ay nakalikha ng maraming usapan ang iyong kuwento, i-tag ito ng #Wattys2016.

Collector's Edition


Mahilig mangolekta ang mga Wattpadders ng kanilang mga paboritong kuwento sa kanilang mga librerya upang mabasa ito nang paulit-ulit. Ang award na ito ay para sa mga kuwentong may pinakamaraming beses na nailagay sa Librerya ng mga Wattpadders. I-tag lang ang #Wattys2016 upang makalahok!

New Voices


Kala mo ba wala kang pagkakataong manalo ng Watty? Ang Wattys ay para sa paghahanap ng bagong talento at pagtataguyod ng mga hindi pa nadidiskubreng manunulat. I-tag ng #Wattys2016 ang kuwento mo—maaaring ikaw na ang hinahanap namin!

HQ Love


Kinikilala ng award na ito ang mga kuwentong nagustuhan ng staff sa Wattpad Headquarters. Dito sa HQ, mahaba ang nararating ng isang magandang kuwento, at walang kakulangan sa kagalingan sa Wattpad para pumatok sa aming panlasa. I-tag ng #Wattys2016 ang iyong kuwento upang malaman kung nakasama ba ito sa aming mga paborito!

Mga Kategorya

Ang Wattys ay dinisenyo upang makilala ang iba't ibang talento at uri ng pagsusulat - kaya kung ikaw ay isang kilalang author o baguhang istoryador, gusto naming makarinig mula sa iyo! Ang Wattys ay may higit sa sampung iba't ibang mga kategorya, upang ipagdiwang ang maraming mga hindi kapani-paniwalang mga kuwento.